Mrs. Monologues

Ako na ang malas

Pwede maglabas ng sama ng loob?

Ako na! Ako na talaga! Ako na ang sinakluban ng langit at lupa ng kamalasan! Sa dami ng walang trabaho sa Pilipinas, bakit napakahirap maghanap ng matinong kasambahay? Siguro dapat magkaroon din ang gobyerno ng mga libreng training sa iba’t ibang probinsya para sa mga gusto mamasukan.

Di ko pa nga natotodo ang mga masakit sa ulong kwento kay Lotlot, eto nanaman, may bago at mas malaking sakit sa ulo. Nung nabanggit ko sa mudra ko na ito ngang si Lot ay may pagkabinge at medyo mahina ang pick-up, sinabi niya na kumuha na ako ng bago.

Pasok, Me-an!

Sandale, di ko pinaalis si Lotlot ha. Ang plano ko, kung itong bago ay mas maayos, saka ko papauwiin si Lotlot.

Katulad ni Lotlot, taga samin sa Los Banos rin si Me-an. Kilala ng pamilya namin ang pamilya niya kaya sa tingin ko di naman niya kami gagawan ng masama. Ang nagustuhan ko kay Me-an ay mukhang masipag. Sa umaga naglalako siya ng puto bumbong. Sa gabi, balot naman. Meron siyang apat na anak at byuda siya. Kailangan niya talaga kumita. Sa puder ng byenan siya nakatira kaya may mag aalaga ng mga anak niya. Saka, malalaki na yun mga bata. Limang taon na yun pinakabata. Di na alagain. Namasukan na rin si Me-an sa Bulacan at sa Alabang kaya marunong siya sa gawaing bahay.

Nung nakausap ko si Me-an, huling araw na namin yun sa Los Banos. Dahil mukhang ok naman siya at gusto na niya magumpisa agad at desperada na ako, sinama ko na siya sa pagluwas namin.

Natuwa ako nung nakita ko na nakuha niya agad ang loob ni Aki. Di ko sinabi sa kanya pero natutunan niya agad na si Aki, gusto laging hinaharot.  Dahil mukhang marunong siya sa bata, ang ginawa kong hati ng trabaho, Me-an kay Aki, Lotlot sa bahay. Di hamak na mas mahalaga si Aki kesa sa bahay kaya yun mas matinong kasama, yun ang bantay ni Aki.

Dun. Dun ako nagkamali. Unang umaga ni Me-ann sa trabaho, huwebes, sinabi niya, na nung binuhat niya raw si Aki, naramdaman niyang kumirot ang tahi niya. Huwat!! Nakanaman! Kala ko ba five years old na ang bunso niya. Yun pala, tahi ng appendicitis yun tinutukoy niya.  Iniwan ko silang magyaya sa sala para makaligo na ako. Pagbalik ko, hinahapo! Josko!

Habang naglalakad kami papunta sa bahay ng byenan ko, ( dun naglalagi si Aki buong araw habng nasa trabaho ako), sinabi ni Meann na di niya inaasahan na ganun kabigat si Aki. Yun alaga niya raw kase na ka edad  ng bagets ko, di hamak na magaan daw. Wala akong pake! Buwiset! Ang aga aga sinisira mo ang araw ko. Siyempre sa loob loob ko lang yun. Di ko pinarinig sa kanya. Tinanong ko siya kung kaya niya ba alagaan ang anak ko. Nuon lang sinabi ni Me-an na sana sa bahay na lang siya. Fine! Me-an sa bahay, Lotlot kay Aki.

In fairness kay Lotlot, mejo nag step-up siy nung dumating si Me-ann. Sabi nga ng kumare ko, baka kailangan lang ng threat para magtino.

Byernes. Bumungad sakin ang nakangiti ngunit kulang ang ipin na pagbati ni Meann ng Good Morning!. Meron pa siyang, “Sana magustohan mo ang luto ko”. Ayos.  Magandang simula.  Bago ako umalis, nakita kong nililinis niya ang sneakers ko. Di naman kadumihan at di ko rin pinapaalinis kaya natuwa naman ako. Sinama ko siya palabas para bumili ng toyo at asukal sa tindahan ( said said na ang pantry ko at wala pa akong oras mamalengke!)  Habang naglalakad, tinanong ko siya kung maliban sa appendicitis niya ay meron pa siyang ibang sakit sakit. Eto ang sagot niya sakin. Yun pagkakasabi niya parang wala lang sa kanya. Para bang  sinabi lang niya na meron siya tatlong tutang malilikot. ” Maqui, meron nga akong high blood eh. Nito lang sumakit yun batok ko. Dito o.”  P$^&^*&#q naman! Gusto kong mahimatay. Tinanong ko naman siya nung nasa Elbi pa kami kung meron b a siyang mga nararamdaman. Wala naman siya nabanggit. Di niya siguro napansin na nagbago ang mukha ko kase kwento pa siya ng kwento. Ang nasabi ko na lang, “Hay Meann, ipapamedical exam kita sa Linggo ha”  Natawa lang siya. Sinabi lang niya, ” Ikaw naman. Kayang kaya ko ang trabaho” .

Sabado, kasal ng kapatid ni Franco. Di ko na sinama si Lotlot at Meann. Nakwento ni Mama na nung ipinakilala sa kanya yun ikakasal na kapatid, ang sinabi ni Meann ” Ikaw pala yun ikakasal. Baket? Buntis ka?” Sabay tawa. Ay close kayo?!

Linggo, naglalakad kami Lotlot kasama si Aki papunta sa kabilang bahay. Nabanggit ni Lotlot na nung nag-SM sila kahapon, ito raw si Me-an, ay konting lakad lang, hilo na agad.  Kaya raw umuwi sila agad. Sinabi rin ni Lotlot, na nabanggit ni Me-an na dalawang buwan na siyang di dinadatnan. Anak ng!  Ako na talaga ang malas!

Pagbalik ko sa bahay, kinausap ko si Me-an. Sabi ko na lang, napansin ko (kahit di ko naman talaga napapansin) na lagi siyang nahihilo at natutulog. Sabi ko, tapatin niya ako kung buntis siya. Sabi niya “Hindi ah”. Dinagdag ko na, mahirap kung buntis siya. Maliban sa may malikot rin kaming bata, mag-isa siya sa bahay buong araw kaya kung may mangyari sa kanya, walang tutulong. Dun lang niya inamin na buntis siya. Tinanong niya kung papauwiin ko na ba siya. Sabi ko syempre oo. Nakiusap siya kung pwede katapusan na lang para may maiuwi daw siyang pera sa mga anak niya. Di talaga eh. Mahirap na.  Nadurog naman ang puso ko nung nakita ko na naluluha na siya pero baka parehong si Meann at si Aki pa ang mapasama kung pagbibigyan ko siya.

Kaya eto kami, tatlo uli. Si Aki, si lotlot at ako. ako na na ubod ng malas sa paghanap ng matinong katulong.

 

 

4 thoughts on “Ako na ang malas

  1. Super hugs Maqui! There was a time na ganyan na ganyan ako. Feeling ko napakamalas. Well, I can’t say maswerte na ako ngayon. But I guess, after ilan na nga ba? 6 tries ata. heto kami umaasa na tatagal na tong nasa amin ngayon. madaming quirks na nakakainis na minsan pero breathe in breathe out na lang kami. importante mahal si Maia. yun pala di ko nasasabi sa yo, medyo bingi din tong kasama namin. so apir sila ni lotlot. lolz. pero kami sis nasanay na. pag meron kami gusto sabihin talagang kinakalabit at sinasabihan in the face. lolz.

    1. haha. oo nga, mag apir sila ni lotlot.
      mejo nasasanay na nga ako na lakasan ng onti yun boses ko. and if may reminder or sasabihin, kailangan rin harap harap kami. in fairness naman to her, I see the effort. Kailangan ko lang talaga mag adjust.
      good luck satin sis!

  2. Natawa naman ako sis kay Mean nung sinabing buntis kaya ikakasal yung kapatid ni franco. hehe feeling close. no choice ka pala kundi pagtyagaan muna si lotlot. sana makahanap ka na ng soulmate yaya like nung iniyakan ni aki.

Leave a comment and make my day. What do you think?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s